^

Metro

Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa sa 0.35

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa sa 0.35
Ayon sa OCTA Research Group, ang naturang reproduction number ay mas mababa sa 0.92 sa kaparehong period ng 2020.
Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Mas lalo pang bumaba ang kaso ng hawaan o ang reproduction number ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umaabot na lamang sa 0.35 mula Nobyembre 29 hanggang Dec. 5.

Ayon sa OCTA Research Group, ang naturang reproduction number ay mas mababa sa 0.92 sa kaparehong period ng 2020.

 “NCR this past week compared to last year. The testing level is around the same, but nearly all indicators are better now,” pahayag ni OCTA Research fellow Guido David.

Anya ang daily attack rate naman ay umabot sa 0.79 nitong Nov. 29-Dec. 5 ngayong taon ay mas mababa kaysa sa 2.61 sa kaparehong petsa ng nagdaang taon. Ang Metro Manila ay nasa ilalim pa rin ng very low risk status sa CO­VID-19.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with