^

Metro

Dalaga binuhusan ng asido ng Chinese

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtamo ng 2nd degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang dalaga makaraang sabuyan umano ng asido ng isang Chinese national sa loob ng isang condominium building sa Ermita, Maynila.

Nakaratay sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Robie May Garcia, 28, dalaga at residente ng Victoria Ville, San Miguel, Taguig City. 

Nakaratay rin sa nabanggit na ospital ang suspek na si Chung Wei Chiang, 40, na nagtamo naman ng 1st degree burn sa mukha at sa braso ng talsikan din ng asido.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang alas-10 ng umaga nitong Dis­yembre 3 nang maganap ang insidente sa Unit 26 ng isang condo sa Adriatico St., Ermita.

Isang staff ng condo ang unang sumaklolo sa biktima nang mapag-alaman na may nagaganap na komosyon sa tinutuluyang unit. Dito nadiskubre ang dalaga na walang saplot na nakatayo sa banyo at tadtad ng paso sa katawan habang nakalublob sa bathtub si Chung.

Nang dumating ang mga pulis, dito na isinugod ang dalawa sa pagamutan para malapatan ng lunas ang kanilang paso sa katawan.

Sa inisyal na imbestigas­yon, sinabuyan ng Tsino si Garcia na nagawang makapanlaban kaya natalsikan din ng likido ang dayuhan. Hinala ng pulisya na matinding selos ang nag-udyok sa Tsino para gawin ito.

Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong Frustrated Murder si Chung sa Manila City Prosecutors Office.

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with