^

Metro

Taga-Pangasinan, ikalawang lotto millionaire ng PCSO ngayong Disyembre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang mapalad na mananaya mula sa Pangasinan ang naging ikalawang instant milyonaryo ng lotto ngayong Disyembre.

Napagwagian ng lucky bettor ang jackpot prize na P5,940,000 matapos na matagumpay na mahulaan ang six-digit winning combination na 21-11-19-08-42-04 ng Lotto 6/42 na binola nitong Sabado ng gabi.

Nabatid na nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Urdaneta City, Pangasinan.

Pinayuhan naman ni Phi­lippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma ang lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City upang makubra ang kanyang na­panalunang jackpot prize.

Kailangan din aniya nitong magprisinta ng kanyang winning ticket at dalawang balidong ID cards.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na may sole bettor ang nakapag-uwi ng jackpot prize sa naturang state lottery games.

Nito lamang Huwebes ng gabi, Disyembre 2, isang sole bettor rin mula sa Dasmariñas City, Cavite ang nakapag-uwi ng ?5.9 milyong jackpot prize sa 6/42 draw.

Noon namang Nobyembre, walong bettors ang na­ging instant milyonaryo rin.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with