Amo dinos-por-dos ng katulong
Nagtalo sa relihiyon
MANILA, Philippines — Dinos-por-dos ng isang katulong ang kanyang amo matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa kani-kanilang relihiyon kamakalawa ng umaga sa Pasig City.
Kinilala ang biktimang si Adoracion Santos, 69, ng Magdalena Subdivision, Brgy. Malinao, Pasig City na ginagamot ngayon sa Tri-City Medical Center dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Nakilala naman ang suspect na katulong na si Alma Corpus, 43,tubong Buayaen, Bambang, Pangasinan.
Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-10:00 ng umaga nang marinig ng isang testigo ang pagtatalo ng dalawa hinggil sa mga paniniwala sa kanilang mga relihiyon.
Sa gitna nang pagtatalo, kumuha ng dos-por-dos ang suspect at inihataw sa biktima ng makailang ulit.
Agad namang naaresto ang suspek at nakuha mula dito ang ginamit sa pamamalo sa biktima.Nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso.
- Latest