_ngayon
^

Metro

‘Utak’ sa multi-milyong ‘Wahana investment scam’ arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
âUtakâ sa multi-milyong âWahana investment scamâ arestado
Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group - National Capital Region (CIDG NCR), nabatid na matapos ang ilang taong pagtatago ay natunton at naaresto nila sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP), si Maria Raisa Yap, 34, residente ng General Luna St., Pila, Laguna, at sinasabing co-founder ng ‘Wahana investment scam’.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang isang babae na sinasabing utak umano sa multi-milyong pisong ‘Wahana investment scam’ na nambiktima  ng mga pulis, sundalo at iba pang indibiduwal na nasa serbisyo, gayundin ang kanyang bayaw, sa isang operasyong ikinasa sa Quezon City, nabatid kahapon.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group - National Capital Region (CIDG NCR), nabatid na matapos ang ilang taong pagtatago ay natunton at naaresto nila sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP), si Maria Raisa Yap, 34, residente ng General Luna St., Pila, Laguna, at sinasabing co-founder ng ‘Wahana investment scam’.

Si Maria Raisa ay asawa ng isa pang suspek sa kaso na si dating P/Corporal Michael Yap, na una nang naaresto ng mga pulis noong Hunyo 8.

Kasama rin namang inaresto ng mga awtoridad ang bayaw ni Maria Raisa na si Dante Paradas, 46, at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to da­mage of property.

Batay sa ulat, ang mga suspek ay naaresto sa tahanan ni Paradas, dakong alas-3:45 ng hapon.

Si Maria Raisa ay wanted sa 82 counts ng kasong estafa at walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Mariin namang pina­bulaanan ng mag-asawa ang akusasyon laban sa kanila.

Ayon kay Michael, biktima lamang siya ng nasabing scam habang sinabi naman ni Maria Raisa na wala umano siyang kinalaman sa ‘Wahana’.

“Wala po ako talagang kasalanan. Nadamay lang ako sa asawa ko po. Doon sa Wahana daw po naglagay daw siya ng pera doon pero hindi po ako involved doon po. Malinis ang konsensiya ko. Wala akong kinalaman,” pahayag pa ni Maria Raisa.

Samantala, wala pa namang pahayag sa media si Paradas.

May narekober din aniya silang isang puting Nissan Tierra na walang plaka mula sa mga suspek, na isasailalim nila sa beripikasyon sa nga­yon. — Doris Franche

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with