_ngayon
^

Metro

Drug trafficker huli sa P102 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Drug trafficker huli sa P102 milyong shabu
Ang nasa 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P102 milyon na nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa isang drug trafficker sa isinagawang operasyon sa Baesa Road sa Brgy. 161 Zone 14, Caloocan City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa P102 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad  sa isang pinaghihinalaang drug trafficker sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 161, Zone 14, District 1, Caloocan City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) Director P/Brig Gen. Remus Medina ang nasakoteng suspect na si Randy Rafael, alyas RR, 42, residente ng Pasay City na sinasabing galamay ng isang Chinese drug lord na tinukoy lamang sa alyas na Lim.

Bandang alas-12:20 ng madaling araw, ayon kay Medina nang magsagawa ng  buy-bust operation ang pinagsanib na  elemento ng PDEG Special Operations Unit (SOU) 7, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau  of Customs (BOC), Criminal Investigation Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Northern Field Unit at Caloocan City Police laban sa suspect na si Rafael sa kahabaan ng Baesa Road, Brgy. 161, Zone 14, District 1 ng nasabing lungsod.

Nabatid na bago ang operasyon ay nakatanggap ng intelligence report ang BOC  sa pangunguna ni Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS ) Intelligence Officer 3 Alvin Enciso kaya’t kaagad na nagsagawa ng joint buy-bust operation  sa pangu­nguna ng PNP- PDEG.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspect ang humigit kumulang sa 15 kilo ng shabu .

Sa kabuuan, sinabi ng opisyal na aabot sa P102,000,000.00 milyon ang  droga na nakumpiska sa suspect .  

Nabatid na sangkot ang suspect sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa NCR at mga karatig lugar.

 Isinailalim na sa kustodya ng PDEG SOU-NCR sa Camp Crame ang nasakoteng suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga ­operatiba laban sa Chinese drug lord na si Lim .

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with