^

Metro

No VIP treatment sa Pharmally execs - BJMP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Nailipat na sa Pasay jail

MANILA, Philippines — Nailipat na sa Pasay City Jail ang Pharmally executives na sina Linconn Ong at Mohit Dargani, Lunes ng hapon.

Kasunod ito sa kautusan ng Senate Blue Ribbon Committee matapos hindi makapagsumite ng hinihinging dokumento sa panel para sa iniimbestigahang diumano’y  anomalya sa procurement ng personal protective equipment (PPE) at medical supplies na bahagi ng COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na handa ang Pasay City Jail para tanggapin sina  Ong, na siya namang director ng Pharmally  at Dargani, na siya namang corporate secretary at treasurer ng kompanya.

Pagtiyak pa niya, walang special treatment na ipagkakaloob sa naturang Pharmally officials sa panahon ng kanilang pananatili sa Pasay City Jail dahil polisiya aniya ng BJMP na bigyan ng pantay-pantay na pagtrato ang lahat ng persons deprived of liberty (PDLs).

“Walang special treatment. Walang preferential attention para sa kanila. Ang policy ng BJMP, pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng aming mga PDLs, patas na pagmamalasakit sa lahat,” pagtiyak pa ni Solda.

Aniya pa, ang bilangguan ay walang hiwalay na pasilidad maliban na lamang sa isolation area na para sa mga newly committed PDL, na bahagi ng health and security procedures na inoobserbahan sa mga bilangguan.

Sinabi ni Solda na mayroong mandatory quarantine period na 10-14 days sa mga preso, at matapos ito, ang mga bagong lipat na indibiduwal ay itatalaga sa selda ng general population.

Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nilagdaan na niya ang isang kautusan na naglilipat kina Dargani at Ong sa kustodiya ng Pasay City jail matapos ipakulong ang mga ito dahil sa pagkabigong magharap ng financial documents sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ang Senado ang nag-iimbestiga sa transaksyon ng kumpanya sa pamahalaan kaugnay ng kontrata nitong bilyun-bilyong umano’y overpriced medical COVID-19 supplies. — Ludy Bermudo

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with