_ngayon
^

Metro

Delivery man nang-rape ng 4-anyos na anak, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang delivery man matapos maaresto nitong Sabado ng hapon nang ireklamo ng misis nito sa panggagahasa sa mismong 4-anyos na anak na babae sa lungsod ng Navotas.

Pansamantalang hindi muna ibinulgar ni Navotas City Police Chief P/Col. Dexter Ollaging ang pangalan ng 48-anyos na suspect upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng batang biktima.

Bandang alas-4 ng hapon kamakalawa nang maaresto nina Pat. Dean Adrian Marc Macaraeg at Pat. Javy Lopez ng Sub-Station 2 sa kanilang tirahan sa Brgy. Tangos South ang suspect.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, una nang ginawan ng kahalayan ng suspect ang kanyang paslit na anak nang dalhin sa isang abandonadong bahay sa kanila ring barangay kamakailan lamang.

Ang hindi batid ng hayok na mister, palihim na nasundan sila ng nakatatandang kapatid ng biktima na siyang nakasaksi sa ginagawang pangmomolestiya sa bata.

Sa takot ay nanahimik muna ang magkapatid subalit nito lamang Biyernes ng umaga, Nobyembre 26, puwersahang isinama ng ama ang anak sa loob ng banyo ng kanilang tirahan at dito muli nitong inabuso sa pamamagitan ng pagdadaliri sa kaselanan ng bata.

Dito na ipinasiya ng magkapatid na isumbong sa kanilang ina ang kahayupang ginagawa ng sariling ama na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na suspect.

DELIVERY MAN RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with