_ngayon
^

Metro

2 kawatan sa construction site arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang notoryus na tirador ng mga kagamitan ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahuli sa aktong nagnanakaw sa isang construction site sa Valenzuela City, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang naarestong mga suspect na sina John Alforte, 22 at Jerico Policarpio, 21; pawang taga-Mecauayan, Bulacan habang pinaghahanap pa ng pulisya ang nakatakas nilang kasamahan na si Johnski Cabanilla.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Michael Calora, natutulog sa loob ng kanilang barracks sa construction site sa Mc Arthur Highway Brgy. Malanday dakong alas-3 ng madaling araw ang mga obrero na sina Ryan Padua, 34, at Mark Anthony Serrano, 22, nang bigla silang nagising dahil sa nilikhang ingay ng mga suspect. Nang kanilang tingnan ay nakita nila ang tatlong suspect na bitbit na ang kanilang mga ninakaw na kagamitan sa construction site at patakas bunsod upang kanilang habulin hanggang sa makorner si Policarpio at nakatakas naman ang dalawa pa.

Agad na humingi ang mga biktima ng tulong sa Police Sub-Station 6 na agad namang nagsagawa ng follow-up operation sa pangunguna ni P/Senior Master Sgt. Roberto Santillan at P/Corporal Darius John Pacleb na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alforte habang patuloy ang pagtugis kay Cabanilla.

Nakuha kay Policarpio ang isang matalim na kutsilyo habang matulis na bagay naman ang narekober kay Alforte.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang isang cellphone, tangke ng M-GAS , at 13 pirasong steel clump pero nabigong mabawi ang isa pang cellphone na nasa P14,000 ang halaga.

CONSTRUCTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with