^

Metro

6 timbog sa ibinebentang pekeng vaccination card

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
6 timbog sa ibinebentang pekeng vaccination card
Kinilala ang mga na­aresto na sina Geraldine Vargas; Camille Cressida Halili, 34; Janneth Viernes, 42; Gengen Subito, 34; Nikko Molina, 18 at Ronaldo Benitez, 31.
Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Anim katao ang dinakip ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) matapos salakayin ang isang establisimyento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­aresto na sina Geraldine Vargas; Camille Cressida Halili, 34; Janneth Viernes, 42; Gengen Subito, 34; Nikko Molina, 18 at Ronaldo Benitez, 31.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid sa isang establisimyento sa C.M. Recto Avenue matapos na matanggap ang ulat na nagbebenta ag mga suspect ng pekeng COVID-19 vaccination cards ng Caloocan and Valenzuela City.

Dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi, isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer at nagawang makabili ng pekeng health vaccination card ng Caloocan City kapalit ng P1,800.00 marked money.

Nang abutin ang pera ay dito na naglabasan ang iba pang operatiba na dumakma sa mga suspect.

Narekober sa naturang establisimyento ang ilang health vaccination cards ng Caloocan at Valenzuela Ci­ties, fake COVID-19 antigen test results, fake vaccine receipts, gamit sa pagproseso ng mga pekeng dokumento, marked money na ginamit sa entrapment operation at P2,300.00 cash.

Kasong paglabag sa Art. 172 of Revised Penal Code in relation to Rule XI Section 1 paragraph B of Implemen­ting Rules and Regulation of RA No. 11332 o alleged fake vaccination cards ang isinampa sa mga suspek.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with