_ngayon
^

Metro

‘No ayuda, no bakuna’ sa 4Ps beneficiaries, panukala lang - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
âNo ayuda, no bakunaâ sa 4Ps beneficiaries, panukala lang - DILG
Ang bawat mag-aaral ay nakatanggap ng P3,000 na mula sa isang milyong pisong educational assistance program ng APPL.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang panukala nilang i-withhold o hindi agad i-release ang ayuda ng pamahalaan para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumatangging magpabakuna, ay isa lamang sa mga mungkahi upang mapaghusay pa ang pagbabakuna sa bansa laban sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na nais ng pamahalaan na makapagturok ng 1 hanggang 1.5 milyong bakuna kada araw at maabot ang herd immunity bago matapos ang taong ito.

Iniulat din ng DILG na base sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 12% pa lamang ng may 4.4 milyong 4Ps households sa buong bansa ang bakunado na sa COVID-19, sa kabila ng patuloy na panghihikayat sa kanila ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Kabilang umano sa mga kampanya at interventions na isinagawa upang mahikayat na magpabakuna ang mga ito ay town hall meetings at family development sessions (FDS), gayundin ang pagbibigay ng insentibo gaya ng Bakuna Benefits (discounts para sa mga vaccinated), Bakunado Panalo (raffle promos), at paggamit ng mga influencers.

Nilinaw din ng DILG na ang kanilang panukala ay hindi alisin sa listahan ang mga benepisyaryong ayaw magpabakuna, kundi i-withhold o hindi agad i-release ang bahagi ng kanilang health at nutrition grant, hanggang sa panahong bakunado na sila.

Binigyang-diin pa ng DILG na ang intensiyon nila sa likod ng panukala ay sinsero at malinaw at ito ay ang mapalakas pa ang vaccination drive ng pamahalaan.

Hinikayat at hinamon din nila ang mga LGUs na mag-adopt ng iba pang malikhaing pamamaraan upang mahikayat ang kanilang mga constituents, kabilang na ang 4Ps beneficiaries, na magpaturok na rin ng bakuna upang magkaroon sila ng proteksiyon laban sa COVID-19.

Maaari anilang sa uri ito ng bagong insentibo gaya ng food o rice packs, raffle bonanza para sa inoculated population, at one-stop shops na nag-aalok ng smorgasbord ng mga government services gaya ng vaccination, at iba pa.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with