^

Metro

Trike driver itinumba, habang naghihintay ng pasahero

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver makaraang barilin nang malapitan sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang naghihintay ng pasahero ang una sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Rolando Erom, ng  Alvarez St., Brgy.267 Zone 24 sa Tondo.

Agad na tumakas sakay ng isang motorsiklo ang gunman na nakasuot ng kulay puti/grey na jacket, pantalon, tsinelas at naka-helmet ng kulay pula at puti.

Batay sa ulat ni P/ Cpl. Neil Patrick Galiza ng Manila Police District-Station 3, bandang alas-5:00 ng hapon nang barilin ng gunman si Erom sa panulukan ng Rizal Avenue at Alvarez St., sa Sta.Cruz.

Sa kabila na malapit sa lugar na pinangyarihan ang istasyon ng pulisya, tagumpay na nakatakas ang salarin.  Huli na ng makaresponde ang mga pulis at inabutan na wala nang buhay si Erom.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naturang pamamaslang kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with