_ngayon
^

Metro

Illegal drugs nasamsam sa 3 shipment

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs-Port of NAIA (BOC-NAIA) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency, ang ecstasy ‘party drugs’ at Ketamine na inilagay sa tatlong shipment sa Central Mail Exchange Center at FedEx Warehouse sa Pasay City.

Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, na ang mga kontrabando na ga­ling Netherlands ay naka-address sa isang alyas Angeli Khang sa Tondo, Maynila, ang pangalawang shipment  ay mula sa Germany ay itinago at isiniksik sa turn-table at naka-consign sa isang Patricia Reyes at idineklara bilang mga laruan, children’s school bag, hot water bottle, children’s shoes, color at mga lapis.

Samantala, naharang din ang ikatlong kargamento na galing sa Malaysia na naka-consign sa isang alyas Ferdie Santos kung saan nakatago ang mga ilegal na sangkap sa loob ng isang water filter.

Sinabi ni Talusan, sa pinaigting na security measures at pagbabantay ng Customs-NAIA personnel, isinailalim sa 100% physical examination ang mga nasabing shipment na nagbunga ng pagkakatuklas sa mga droga. 

May kabuuang 4,547 piraso ng ecstasy sa dalawang shipment ang natuklasan, 100 piraso sa unang shipment na may estimated street value na Php170,000, at 4,447 pieces na may estimated street value na Php7,559,900.

Idagdag pa rito, ang ikatlong shipment na nag­lalaman ng 178.5 gramo ng Ketamine na may street value na P892,500.00.

Sinabi ni Talusan, iti­nurn-over na ng BOC-NAIA sa PDEA ang mga nasamsam na ilegal na droga para sa karagdagang profi­ling at case build-up laban sa consignee at iba pang personalidad na sangkot dito.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with