^

Metro

Chinese, 1 pa tiklo sa droga at boga

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado sa follow-up ­operation ng Northern Police District (NPD) at Makati City Police ang dalawang miyembro ng isang bigtime gunrunning syndicate sa buy-bust operation sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang naarestong mga suspek na sina Huang Sia, alias Jason Lee, 30, ng 9089 B. Banoyo St. Brgy. San Antonio Makati City at Raffy Ballera, 29, ng 149 Villaruel St. Brgy. 24, Pasay City.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na mga ope­ratiba ng DSOU at District Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Makati City Poblacion Police Sub-Station sa San Agustin St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air kung saan nagpanggap na poseur-buyer si P/SSgt. Angelito Gagarin habang magsisilbi namang back-up si P/SSgt. Emmanuel Carpio at P/MSgt. Eleazar Lazaro.

Nang iabot ng mga suspek ang isang mahabang baril sa police poseur-buyer kapalit ng P3,000 marked money ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang apat na mahabang baril na may markang Spikes Tactical Apopka FL USA, kaha ng sigarilyo na naglalaman ng nasa 1 gram ng cocaine, transparent plastic bottle na naglalaman ng nasa 3 grams ng shabu at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with