_ngayon
^

Metro

Pagbabakuna sa minors sa Metro Manila, muling umarangkada

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umarangkada na nitong Biyernes ang pagbabakuna sa mga kabataan na may comorbidities sa ibat-ibang lungsod sa Metro Manila.

Sa Marikina City, personal na sinaksikan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang pagbabakuna sa kabataan sa Marikina Sports Complex para sa mga kabataan na may comorbidities upang matiyak ang kaayusan ng programa.

May 326 kabataan na may edad 12 hanggang 17 na may comorbidities ang tinarget na bakunahan sa Marikina kahapon.

Pfizer vaccine ang ginamit sa pagbabakuna sa mga minors kahapon.

Bukod kay Mayor Teodoro ay mayroon ding mga representatives mula sa Department of Health ang nasa complex.

Sa Parañaque City, sinimulan na rin kahapon sa pangunguna ni Parañaque CIty Mayor Edwin Olivarez ang kanilang kauna-unahang pedia­tric vaccination para sa mga menor-de-edad.Isinagawa ang unang pag-arangkada ng pagbabakuna sa Ospital ng Parañaque 1, sa Brgy La Huerta, Parañaque City.

Target na mabakuna­han kahapon ang 50 hanggang 90 minors with comorbidities, ayon kay Dr, Jeff Pagsisihan ng Ospital ng Parañaque.

Umarangkada rin ang pagbabakuna sa lungsod ng Navotas, Caloocan, Manila, San Juan at sa Las Piñas at contact tracing.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with