_ngayon
^

Metro

Transport groups, payag sa cash subsidy imbes na fare hike

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Transport groups, payag sa cash subsidy imbes na fare hike
Ayon kay Ka Obet Martin, national President ng Pasang Masda, maganda ang offer ng pamahalaan na mabigyan sila ng cash subsidy sa halip taas singil sa pasahe pero hindi pa rin nila iaatras ang request kundi ipepending lamang nila ang kanilang petisyon .
STAR / File

MANILA, Philippines — Sumang-ayon ang transport groups na mabigyan na lamang sila ng cash subsidy ng pamahalaan sa halip na aksyunan ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang P3  fare hike petition sa passenger jeepney sa bansa.

Ayon kay Ka Obet Martin, national President ng Pasang Masda, maganda ang offer ng pamahalaan na mabigyan sila ng cash subsidy sa halip taas singil sa pasahe pero hindi pa rin nila iaatras ang request kundi ipepending lamang nila ang kanilang petisyon .

Anya, oras na matanggap na ng kanilang hanay ang pangakong cash subsidy ay saka lamang nila papawalang saysay ang kanilang fare hike petition.

Bagama’t alam ng kanilang hanay ang hirap na dinaranas ng bawat mamamayan sa epekto sa kanilang hanapbuhay ng pandemic, mas malaki anila ang epektong dulot ng oil price hike sa kanilang hanay kung walang cash subsidy na matatanggap mula sa pamahalaan.

“Maganda ang in-offer sa amin pero hindi pa rin namin iaatras, ipepending lang namin ang aming petition at ‘pag nakuha na namin ang aming mga napag-usapan that would be the time for us to recall our petition,” dagdag ni Martin.

Anya sila ang magsa-submit sa LTFRB ng pangalan ng mga jeepney operators at drivers na makakatanggap ng cash subsidy.

Humingi ng P3 taas sa singil sa pasahe  ang jeepney group dahil sa walong sunod na linggong oil price hike na lubhang pahirap sa kanilang paghahanapbuhay

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with