^

Metro

BJMP: 70K inmates sa buong bansa, bakunado na vs. COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 70,000 bilanggo sa buong bansa ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Xavier Solda, batay sa kanilang tala ay 74,730 preso na o may 60% ng kabuuang 123,848 bilang ng mga bilanggo  sa may 472 piitan sa bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

“That’s roughly around 60% na po (already),” pahayag pa ni Solda.

Sa kabila nito, tiniyak din ni Solda na tuluy-tuloy ang gagawin nilang pagbabakuna upang matiyak na maging ang mga bilanggo at mga tauhan ng BJMP ay protektado rin laban sa virus.

Umapela rin naman si Solda sa mga local government units (LGUs) na huwag kalimutang bakunahan ang kanilang mga constituents na nasa bilangguan.

“Hopefully, ‘yung ating mga LGU heads ay ‘wag po nilang makalimutan ‘yung kanilang constituencies na nasa BJMP facilities,” aniya pa.

Kaugnay nito, iniulat din ni Solda na nakapagtala na ang BJMP ng kabuuang 4,595 COVID-19 cases.

Sa naturang bilang aniya, 4,404 na ang nakarekober habang mayroon pang 72 PDLs ang kasalukuyan pang minu-monitor sa mga COVID Center facilities ng BJMP.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with