_ngayon
^

Metro

25 hanggang 85 oras na water interruptions

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May 25 hanggang  85 oras  na mawawalan ng suplay ng tubig sa Las Piñas, Makati, Maynila,Parañaque, Pasay, Bacoor, gayundin sa Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite mula alas-11 ng umaga ng Oktober 25 (Lunes)  hanggang Okt. 28 (Huwebes) ng alas-11:59 ng gabi.

Ayon sa Maynilad Waters, ang pagkawala ng tubig ay dulot ng paglalagay ng drai­nage sa may kahabaan ng Cristobal Street sa Sampaloc Maynila.

Magsasagawa na rin ng leak repairs at maintenance work sa pumping station doon.

Sa panahon na walang  tubig sa naturang lugar, maglalagay ang Maynilad ng 14 na stationary water tank at 60 mobile tanker para sa mga apektadong residente sa mga lugar na maapektuhan ng water interruption.

WATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with