_ngayon
^

Metro

Minors iparehistro para sa bakuna – Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Quezon City government ang mga magulang at guardians ng mga kabataang may comorbidities na iparehistro na ang kanilang mga anak sa QCVaxEasy website: www.qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy o sa pamamagitan ng kani-kanilang barangay para mabakunahan kontra COVID-19.

Habang patuloy  sa vaccination drive ang QC go­vernment, ang lokal na pamahalaan ay bukas na para sa registration ng mga kabataang may comorbidities habang hi­nihintay ang suplay ng bakuna.

“Now that we are close to reaching our 1.7 million target population of fully vaccinated eligible individuals, it is high time that we expand our vaccination drive to children with comorbidities who, like the individuals with comorbidities belonging to A3, are also highly at risk of getting sick with the virus,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Anya ilang buwang nakasentro ang lokal na pamahalaan sa pagbabakuna sa may 80 percent ng adult population o may 1.7 milyong katao na may edad 18 -anyos pataas at ngayon ay nakasentro naman ang lungsod sa mga  minors dahil sila man ay may banta rin sa virus.

Ang mga kabataan ay may 30% ng 3.1 milyong populasyon ng QC.

Ang mga  minors na nasa edad 12 hanggang 17 na may  comorbidities ay nasa ilalim ng Pediatric A3 sa listahan ng  priority sectors.

Inanunsyo rin ni  Dr. Eleria na sa mga  private schools na nais pabakunahan ang kanilang mag-aaral ay maaa­ring mag-submit ng letter of intent  para sa QCProtektodo Team sa qcprotektodo@­quezoncity.gov.ph.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with