_ngayon
^

Metro

Pagbabakuna sa Quezon City, lalong pinaigting

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Quezon City government ang mu­ling pagbubukas ng slot para sa mga manggagawa at residente sa lungsod na hindi pa nabakunahan.

Ito ang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte kaugnay sa pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaan para sa ‘Resbakuna’ kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Belmonte, simula ngayon ay maaaring magparehistro online sa QC Vax Easy ang sinumang nais makakuha ng kanilang first dose.

Dapat anyang tiyakin ng mga ito na makukunan nila ng picture ang kanilang reference number para ipakita sa Vaccination Site na kanilang pupuntahan.

Ngayong Miyerkules, October 13, itinakda ng QC LGU ang araw ng mga magpapabakuna para sa first dose habang ipinagbabawal pa rin ang walk- in client.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with