^

Metro

2 niratrat sa loob ng bahay, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 niratrat sa loob ng bahay, patay
Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ni Amaquin sa Balut, Tondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salarin na pumasok sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Isinugod pa sa Tondo Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay sina Crisostomo Gaddi, 30,  at Jenny Amaquin, 40, Paulino St., corner San Pedro St., Balut, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ni Amaquin sa Balut, Tondo.

Ayon sa saksing si Violeta, biyenan ni Amaquin, napansin niya ang isang sasakyang pumarada sa gilid ng kanilang compound at bumaba ang tatlong lalaki.  Nang kaniyang tanungin kung ano ang kailangan ay sinabihan siyang umalis.  Dito niya nakita na may bitbit na baril ang mga lalaki kaya dali-dali siyang umalis para humingi ng tulong.

Hindi pa nakararating sa Barangay Hall ng Brgy. 146 nang magkakasunod na putok ng baril ang marinig sa lugar.  Agad siyang bumalik ng kanilang bahay at nakita ang dalawang biktima na duguan kaya dali-dali nilang isinugod sa pagamutan.

Narekober naman ng mga awtoridad sa lugar ng krimen ang 20 piraso ng maliliit na plastic sachets na may bakas ng shabu.

Masusi pang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa krimen para sa agarang ikareresolba nito.  Inaalam din kung posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with