_ngayon
^

Metro

Lalaking matitikas, isasabak ngn Valenzuela LGU vs COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May pagkakataon nang sumabak sa laban sa COVID- 19 ang mga lalaking matitikas at  matatapang sa Valenzuela City.

Ito’y matapos na  hikayatin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga kalalakihan sa lungsod na sumama  at makilahok laban sa COVID-19 bilang rescue personnel.

“Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the CO­VID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” nakasaad sa kanyang FB page.

Ilan sa mga kuwalipikasyon ay pagiging residente ng  lungsod, may edad na hanggang 35; may taas na hindi bababa sa 5’6, matikas o malusog, katamtaman ang pangangatawan at nakapag-aral ng kolehiyo/vocational course.

Mahalaga rin  sa mga nais na maging rescue personnel ang Land Transportation Office professional driver’s license na may restriction code na hindi kukulangin sa 1 at 2; payag na sumailalim sa pagsasanay bilang rescue personnel; pasado sa driving at rescue skills test at; payag magtrabaho sa paiba-iba o mas mahabang oras.

Maaaring magpadala  ang sinumang aplikante ng kanilang resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com.

COVID- 19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with