^

Metro

Mga establisimento sa Makati, ininspeksyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga establisimento sa Makati, ininspeksyon
Sa ilalim ng Alert Level 4, ang outdoor o alfresco dine-in services ay pinapayagan lamang na mag-operate sa 30% capacity sa mga bakunado o hindi na kostumer, habang ang indoor dine-in services ay hanggang 10 percent capacity, subalit para lamang sa fully vaccinated individuals.
Philstar.com / Rosette Adel, file

MANILA, Philippines — Personal na nag-inspeks­yon sa mga establisemento sa Makati City sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, kasama si Mayor Abby Binay upang tiyaking nasusunod ang  ipinatutupad na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa ilalim ng Alert Level 4 .

Wala namang nakitang mga paglabag nang umikot sa  alfresco dine-in services sa  Rockwell Center.

Ayon kay Mayor Binay, sumusunod ang Rockwell sa alituntunin na katunayan ay 30 porsyento lang sa kapasidad ang kanilang tinatanggap na kustomer.

“We also conduct random checks for those establishments who have failed to comply with the IATF guidelines. In this city, we mean business,” pagtitiyak ni Binay.

Sa ilalim ng  Alert Level 4, ang outdoor o alfresco dine-in services ay pinapayagan lamang na mag-operate sa  30% capacity sa mga bakunado o hindi na kostumer, habang ang indoor dine-in services ay hanggang 10 percent capacity,  subalit para lamang sa fully vaccinated individuals.

Sa pagbisita naman sa Anytime Fitness gym na matatagpuan sa South Park Plaza, Magallanes, Makati City, umapela si Miguel Gutierrez,co-founder ong Anytime Fitness Philippines, sa national government at IATF na payagan silang makapag-operate na 10 percent allo­wable capacity, tulad ng mga  restaurant at personal care services.

Nangako naman si Lopez na bukas ang pamahalaan na pag-aralan ang hirit ng mga gym at  fitness centers ang mga tulad ng gym na makatutulong naman para mapalakas ang immunity ng mga indibiduwal upang may panlaban sa CO­VID-19.

MAKATI CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with