^

Metro

12 timbog sa sugal-kalye sa Pasay, Las Piñas, Muntinlupa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagdadampot ng mga awtoridad ang 12 katao matapos maaktuhan ng pagsusugal habang nasa umpukan sa kalye, sa Pasay, Las Piñas at Muntinlupa City, kaugnay sa pinaigting na kampanya sa illegal gambling activities habang nasa gitna ng pandemya.

Sa ulat  ng Pasay City Police Station, dakong alas 10:55 ng gabi ng Setyembre 18 nang matiyempuhan ng mga tauhan ng Libertad Police Sub-Station ang paglalaro ng cara y cruz’ ng mga suspek na sina Jessy Tony Iguana, 30; Eduardo Arbolente, 41;  Rogelio Domingo,  45 ; , Dante Depas, 39;  Jofel Pedrera , 20; at  Michael Aris Mislang, 27, sa Ro­xas Blvd. Service Road, Brgy 76.

Sa Parañaque City, bandang alas 12:10 ng madaling araw ng Linggo nang madakip naman sina Jeffrey Reyes, Christian Manag, at John Mark Espinosa sa Saint Paul Street, Barangay Moonwalk, ng mga tauhan ng Don Bosco Sub Station habang naglalaro ng pusoy.

Samantala, tatlo ring indibiduwal na kinilalang sina Jaybee Santos, 24; Tyron Pascua, 28; at  Allan Yabot ,  28 ; dakong alas 12:40 ng madaling araw sa Moonwalk Terminal Brgy Talon Uno,  ang inaresto ng mga tauhan ng Talon Sub Station habang abala sa paglalaro ng cara y cruz,  sa isinagawang Oplan Galugad/Anti-Illegal Gambling ­Operation.

Ang mga suspek ay isinailalim sa inquest proceedings kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9287 sa inamyendahang Presidential Decree 1602 (Anti-Gambling Law).

POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with