^

Metro

Iisnab sa swab test, may multa at kulong pa -- DILG

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Iisnab sa swab test, may multa at kulong pa -- DILG
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, maaaring kasuhan at pagmultahin ng P20,000 hanggang P50,000 at makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang may sintomas ng virus at nagka-close contact sa COVID patient kung ayaw nitong magpa-swab test.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bukod sa multa ay maaaring makulong ang sinumang indibidwal na iisnab sa swab tes-ting oras na makitang may sintomas ito ng COVID-19 at nagkaro­on ng close contact sa isang tao na nagposi-tibo sa virus.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, maaaring kasuhan at pagmultahin ng P20,000 hanggang P50,000 at makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang may sintomas ng virus at nagka-close contact sa COVID patient kung ayaw nitong magpa-swab test.

Binigyang diin ng Kalihim na maaari kasing ilagay sa peligro ang buhay ng ibang tao kung ito ay  infected ng virus.

Sinabi ni Año na da-pat makipagtulungan   ang mamamayan sa kampanya ng pamaha­laan para maiwasan ang hawaan sa Covid-19  dahil hindi kaya ng gob-yerno na tustusan ang lahat ng panganga­ilangan ng bawat indibi-dwal.

Hiniling din ni Año ang pang-unawa sa mga manggagawa na walang sahod oras na ito ay mai-quarantine. Anya mas mainam pa naman ito kaysa sa maging carrier ng virus

SWAB TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with