_ngayon
^

Metro

7 timbog sa drug buy-bust

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong ‘tulak’ na kinabibilangan ng tatlong babae ang  dinakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Colinares Jr., alyas Nonoy, 25; Jemmeline Barbosa, 30; Lilibeth Lerit, 51; Eller Rabino Jr., 30; Mark Anthony Macaspac, 31; Michael Demie Quismundo, 30, at Jennifer Padua alyas Negra, 27.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi nang magsagawa ng  buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta.

Kaagad inaresto ang target na si Colinares matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang posuer buyer na pulis.

Kasunod na inaresto ang anim pang mga suspek matapos maaktuhan ng mga operatiba na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng bahay.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

VALENZUELA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with