^

Metro

‘Fake news’ pinalagan ni Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalagan kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga naglalabasang ‘graphics’ sa social media na layong pag-awayin ang mga taga-lungsod ng Maynila at Mindanao.

“Huwag po tayo magpalinlang sa mga fake news na lumalabas ngayon sa social media. Ito po ay gawa-gawa lamang,” panawagan ni Moreno sa publiko.

Nakasaad sa graphics na may logo pa ng City of Manila, ang larawan ng alkalde at may teksto na, “hindi uubra sa aming mga taga-Tondo ‘yang mga taga-Mindanao.”

Isa pang teksto ang may nakasaad na, “Basta from Visayas at Mindanao hindi pwede papasukin sa Maynila.”

“Hinding hindi po natin ‘yan magagawa sa ating kap­wa Pilipino, lalo na ngayong panahon na kailangan ng pagmamalasakit sa isa’t isa,” sagot ni Isko sa umano’y naturang mga fake news.

Mapapatunayan umano ito sa pagpapadala ng Maynila ng gamot na Tocilizumab sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao na aabot sa 622 vials.

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with