^

Metro

World Class na Manila Zoo, bubuksan sa Disyembre

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
World Class na Manila Zoo, bubuksan sa Disyembre
Inanunsiyo ito ni Manila Mayor Isko Moreno nang bisitahin niya ang ipinapagawang Manila Zoo, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna kahapon.
City of Manila Official Website

MANILA, Philippines — Bubuksan na sa darating na Disyembre ang bagong world class Manila Zoo, ang pinakamatandang zoo sa Asya na matatagpuan sa lungsopd ng Maynila.

Inanunsiyo ito ni Manila Mayor Isko Moreno nang bisitahin niya ang ipinapagawang Manila Zoo, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna kahapon.

Sinabi ni Moreno, na magkakaroon na ng safari, aviary, reptiles, glass close interaction sa mga tigre, at primates.

Dagdag pang atraksiyon ang pagkakaroon ng butterfly farm na katulad ng nasa Dubai.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Moreno ang iba pang kapwa opisyal na maisakatuparan ang pagpapaganda ng dating Manila Zoo.

Samantala, mula naman sa pagbisita sa Manila Zoo ay dumiretso ang grupo ng alkalde sa kasalukuyang konstruksyon sa Ospital ng Maynila na ilang metro lang ang layo sa zoo.

Sinabi ni Moreno na ang bagong Ospital ng Maynila (OM) ay magiging 10-palapag na at fully-airconditioned mo­dern hospital na maaaring ihambing sa mga private hospitals sa bansa.

Ang gusali na dating ­inookupahan ng OM ay gagamitin ngayon bilang College of Medicine para sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

MANILA ZOO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with