_ngayon
^

Metro

Mabisang estratihiya ginamit ng Quezon City para mapababa ang COVID-19 cases

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang matamang pagpapatupad ng mga tested strategies tulad ng pinahusay na tracing, testing, agarang isolation at granular lockdown ang dahilan kung bakit may pagbaba sa growth rate ng kaso ng COVID- 19 sa Quezon City.

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte bilang reaksyon sa ulat ng OCTA Research Group na isa ang Quezon City, bagama’t may pinaka-malaking populasyon sa Metro Manila ang nakapagtala nang pagbaba sa bagong kaso ng COVID-19.

Sa tala ng OCTA nitong   August 31, bumagal sa 1.43 ang hawaan ng virus mula sa 1.56 reproduction number noong nakaraang linggo sa Metro Manila. Sa  16 na LGUS sa Metro Manila, Quezon City ay nakapagtala ng  may mabagal na hawaan  na nasa 1.27 mula sa 1 37 reproduction number ng kaso ng Covid-19.

“Following the report of the Department of Health that we have recorded more than 22,000 cases in a day nationwide, this analysis of our numbers helps us see that our efforts are working. We have managed to improve our COVID-19 responses over time and now we are seeing developments in ma­naging surges,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Nitong August 31, ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 sa QC ay  131,681. Ang active cases ay 9,537 (7.3%), deaths ay 1,335 (1%) at ang mga gumaling ay may  120,809 (91.7%). Ang occupancy rate ng lahat ng  12 Hope Isolation Facilities ay 75%  nitong  August 30.

Muli nanawagan si Mayor Belmonte sa mga residente ng lungsod na patuloy na sundin ang minimum health stan­dards at agad magpabakuna para maging protektado kontra COVID- 19.

COVID- 19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with