^

Metro

Pulis na nagwala sa ospital, kakastiguhin - Eleazar

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis na nagwala sa ospital, kakastiguhin - Eleazar
Batay sa report, pasado ala-1 ng madaling araw kahapon nang isugod si Patrolman Angelo Mendoza Abalos ng kanyang asawa na si Maria Concepcion Abalos sa Valenzuela Emergency Hospital dahil inatake ito ng high blood pressure.
STAR/File

‘Di agad naasikaso

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar na kakastiguhin ang pulis na umano’y nagwala at nagbanta sa mga nurse ng isang ospital sa Valenzuela

Kasabay nito iuutos ng PNP chief sa District Director ng Northern Police District na imbestigahan ang  insidente.

Batay sa report, pasado ala-1 ng madaling araw kahapon nang isugod si Patrolman Angelo Mendoza Abalos ng kanyang asawa na si Maria Concepcion Abalos sa Valenzuela Emergency Hospital dahil inatake ito ng high blood pressure.

Dahil umano sa hindi naasikaso agad, nagalit ang pulis at sinabing “kung hawak ko lang ang baril ko, binaril ko na kayo”.

Bunsod ng matinding takot, nagsumbong ang mga kawani ng ospital sa barangay at himpilan ng Pulisya.

Nang puntahan sa ospital ng mga barangay at pulis, naka-confine na sa ospital ang suspek, at bandang alas-10 kinaumagahan ay isinailalim ito sa kustodiya ng mga tauhan ng Valenzuela Sub-Station 6.

Ayon kay Eleazar, sa kahit anong sitwasyon dapat na  inilalagay ng  mga pulis sa  lugar ang kanilang mga pag-uugali at hindi pinaiiral ang  kanilang mga pagkapulis.

Sa ngayon, pinagpapaliwanag na ang bagitong pulis habang hinihikayat ng PNP ang biktima na magsampa ng pormal na reklamo laban sa pulis.

 

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user