^

Metro

Vaccination site sa Caloocan, bukas na para sa mga OFWs at seaman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maiibsan na ang pa-ngamba ng mga Overseas Filiipino Workers (OFWs) at seafarers laban sa COVID-19 virus matapos na buksan ng Caloocan City ang kanilang mga vaccination sites para sa kanila.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, sinimulan na kahapon ang walk-ins sa mga OFW at seafearers anumang oras. 

Sinabi ni Malapitan na layunin nilang big-yan-prayoridad at tulu-ngan mabakunahan ang OFWs at seafarers sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. 

Hindi na kailangan ng vaccination pass o online appointment. Ka-ilangan lamang dalhin ang Valid ID, Seaman’s book/owwA certificate/call sheet mula sa kanilang opisinang pinagre-report abroad at sariling ballpen. 

“Nais ng ating lokal na pamahalaan na matulungan ang mga kababayan natin na magtatrabaho abroad.

Bukod sa requirement na ang bakuna para sa kanilang pag-alis, mahalaga na may­roon silang proteksyon laban sa virus,” ani Ma­lapitan.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with