^

Metro

P4.2milyong COVID-19 test kits nasabat ng PAF, 4 online seller timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot  sa P4.2 milyon halaga ng COVID 19 rapid test kits ang nasabat ng Philippine Air Force (PAF) kamakalawa ng  gabi sa isang operasyon sa Pasig City.

Ayon sa PAF, nakumpiska ng kanilang mga tauhan at ng Quezon City District Field Unit – Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU-CIDG) ang nasa 21,000 Konsung Brand COVID-19 Rapid Test Kits.

Arestado naman ang apat na lalaking online sellers.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa FDA Act of 2009 in relation to FDA Advisory No. 2020- 016 o ang Prohibition of Online Selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kits.

Tiniyak ng PAF,  na patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga nananamantala partikular sa iligal na bentahan ng COVID-19 Rapid Test Kits.

PAF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with