^

Metro

Drug suspect, itinumba sa eskinita

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang drug suspect  nang pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang lalaki sa isang eskinita sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Rocky Villaruel, 37,  ng Rodriguez, Rizal.

Batay sa ulat ni P/Cpl.  Angel T Pascasio III, ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang eskinita malapit sa may Fortune St., Freedom Park 3, Brgy. Batasan Hills.

Ayon sa testigo patulog na umano siya nang makarinig ng putok ng baril nang kanyang tignan ay doon niya nakita ang nakabulagta at duguang biktima.

Napuna rin umano niya ang dalawang lalaki na armado ng baril, nakasuot ng itim na jacket, maong pants, at kaswal lamang na naglalakad palayo sa lugar.

Bigo naman ang testigo na makilala ang mga suspek dahil sa suot na cap at face masks ng mga ito.

Nakuha rin sa kamay ng nasawi ang isa at tatlo pang sachet sa loob naman ng wallet nito.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen.

ANGEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user