_ngayon
^

Metro

Ayuda sa Metro Manila poribong masimulan bukas- DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ayuda sa Metro Manila poribong masimulan bukas- DILG
“Siguro pagpatak ng ating ECQ pilitin nating masimulan na yan,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Posible umanong masimulan na ngayong Biyernes ang distribusyon ng cash aid para sa mga residente sa Metro Manila na maaapektuhan ng enhanced community qua­rantine (ECQ) na ipatutupad ng pamahalaan sa rehiyon upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

“Siguro pagpatak ng ating ECQ pilitin nating masimulan na yan,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Una nang sinabi ng Malacañang na aabot sa 13 milyong katao sa National Capital Region (NCR) ang mapapasailalim sa ECQ na ipatutupad simula Agosto 6 hanggang 20.

Aabot anila sa 10.7 milyong residente ang makakakuha ng tig-P1,000 bawat isa na cash assistance o maximum na apat na miyembro para sa bawat pamilya o P4,000.

Sinabi ni Año na aabot sa P11.2 bilyong halaga ng ayuda ang ilalaan bilang tulong pinansiyal sa mga mamamayan.

Aniya pa, ang pinal na listahan ng mga benepisyaryo ay depende sa lokal na pamahalaan.

Ang tulong pinansiyal ay maaari aniyang ipamigay sa mga residente sa pamamagitan ng distribution points, house-to-house o transmittance centers.

Samantala, tiniyak din ng kalihim na ang lahat ng Authorized Persons Outside their Residence (APOR), kabilang na ang mga hindi pa bakunado, ay maaaring lumabas ng bahay sa panahon ng ECQ.

Gayunman, kailangan aniya ng mga ito na magpakita ng katunayan na sila ay APOR gaya ng identification (ID) cards o dokumentasyon na sila ay nagtatrabaho sa industriya na pinapayagang mag-operate sa panahon ng ECQ.

Aniya pa, hangga’t maaari ay ang mga bakunado lamang ang palabasin ng bahay at bumili ng pagkain o gamot na kanilang kakailanganin.

Ang manufacturing at food delivery businesses ay papayagan din naman aniyang mag-operate sa panahon ng ECQ.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with