_ngayon
^

Metro

Valenzuela namahagi na ng bagong Quarantine Pass sa ECQ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Valenzuela namahagi na ng bagong Quarantine Pass sa ECQ
Ayon sa Valenzuela LGU, ngayon pa lamang ay dapat nang matanggap ng mga residente ang kanilang quarantine pass upang maiwasan ang kalituhan at gulo sa pagsisimula ng ECQ sa Linggo, Agosto 6 hanggang Agosto 20 laban sa pagkalat ng Delta variant.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa  dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR),nagsimula nang mamahagi ng mga bagong quarantine pass ang  Valenzuela City sa kanilang mga residente.

Ayon sa Valenzuela LGU, ngayon pa lamang ay dapat nang  matanggap ng mga residente ang kanilang quarantine pass upang maiwasan ang kalituhan at gulo sa pagsisimula ng  ECQ sa Linggo, Agosto 6 hanggang Agosto 20 laban sa pagkalat ng Delta variant.

Ang  mga barangay ang magdadala ng quaratine pass sa bawat pamilya na magagamit sa pagbili ng kanilang mga kailangan. Gayunman, hindi naman  maaaring gamitin ang quarantine pass sa curfew hours na  alas- 8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Hindi rin maaaring ipagamit sa buntis, may comorbidities at immunodeficiency, senior citizens at menor-de-edad ang quarantine pass maliban na lamang kung emergency at tanging sila lamang ang  maaaring lumabas.

Nilinaw din ng  Valenzuela LGU na  hindi na kailangan ng quarantine pass ng Authorized Person Outside Residence (APOR) na may Company ID at Certificate of Employment, mga naka schedule ng vaccination at mga business owners na may valid ID.

Paalala ng Valenzuela LGU, laging dalhin ang qua­rantine pass gayundin ang ValTrace QR codes na ipapakita sa mga establisim­yento.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with