_ngayon
^

Metro

Pamunuan ng East Avenue Medical Center sa Quezon City, naghahanda na sa Delta surge

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamunuan ng East Avenue Medical Center sa Quezon City, naghahanda na sa Delta surge
Ayon kay Dr. Alfonso Nuñez ng EAMC, nag-upgrade na sila ng kanilang oxygen supply para sa inaasahang pagdami ng kaso bukod sa mayroon silang bed utilization rate na nasa pagitan ng 75 percent hanggang 80 percent ngayon kumpara sa 40 percent hanggang 50 percent noong nagdaang linggo.
Mula sa Facebook ng East Avenue Medical Center

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang pamunuan ng East Avenue Medical Center sa Quezon City  sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Alfonso Nuñez ng EAMC, nag-upgrade na sila ng kanilang oxygen supply para sa inaasahang pagdami ng kaso bukod sa mayroon silang bed utilization rate na nasa pagitan ng 75 percent hanggang  80 percent ngayon   kumpara sa  40 percent hanggang  50 percent noong nagdaang linggo.

Sinabi ni Nuñez na oras na ma-upgrade ang kanilang  oxygen-generating plant, ang ospital ay maaaring-refill ng iba pang medical facilities  oxygen supply hanggang kailangan.

Anya nagbukas na rin ang ospital ng tatlong emergency rooms at dalawa dito ay laan sa COVID-19 cases at dag­dag na 15 pang intensive care unit beds.

Sapat din anya ang kanilang human health resour­ces, gayundin ng pagpapanatili sa mga contractual nurses, contractual doctors at contractual admin support personnel.

Agad din anyang naipadadala ang samples ng mga pinaghihinalaang COVID patients sa Philippine Genome Center para sa mabilis na pagkilatis sa karamdaman ng bawat pasyente .

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with