_ngayon
^

Metro

Chinese trader, utas sa ambush

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyanteng Chinese makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem , habang sakay ang biktima ng kaniyang kotse sa may Malate, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Naiqia Yuan, 34, ng  Jerico St., Multinational Village, Parañaque City.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-3:55 ng hapon sa kanto ng M.H. Del Pilar  at Aldecoa Sts. sa Malate.  Sakay ang biktima ng kaniyang itim na kotseng sedan nang maipit sa mabigat na trapiko.

Dumikit umano sa kaniya ang isa sa dalawang  suspect at walang sabi-sabi siyang pinagbabaril.  Agad na sumakay ang lalaki sa isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek at humarurot papatakas patungo sa direksyon ng Roxas Boulevard.

Wala nang buhay nang abutan ng mga pulis ang biktima sa driver’s seat ng kotse.  Nabatid na nagtamo ito  ng anim na tama ng bala sa balikat at kili-kili.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaslang at ang mga nasa likod ng krimen.

NAIQIA YUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with