_ngayon
^

Metro

4 na Delta variant case naitala ng Malabon LGU

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na kaso na ng  Delta variant case ang naitala ng  Malabon LGU.

Ito ang inihayag ni Malabon City Public Information Office chief Bong Padua kung saan dalawa pa ang naka-quarantine at sumasailalim sa gamutan, habang ang  dalawa pa ay gumaling na.

Ayon kay Padua, tuluy tuloy ang monitoring at swab testing sa mga nakakaramdam ng sintomas ng CO­VID-19

Matatandaang noong nakaraang Miyerkules, inanunsyo ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta na nakapagtala ang lungsod ng unang Delta variant case.

Sa ngayon ay pinaigting na ng Malabon LGU ang isinasagawang contact tracing, isolation.

Tuloy-tuloy rin ang ginagawang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines sa anim na vaccination site.

Sa pinakahuling tala ng Malabon City Health Department, umabot na sa 461 ang bilang ng aktibong kaso ng CoViD-19 sa lungsod.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with