_ngayon
^

Metro

Mas mahabang curfew, ipapatupad sa Metro Manila sa ECQ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Mula 8pm hanggang 4am

MANILA, Philippines — Mas mahaba pang curfew hours ang paiiralin simula sa Biyernes, Agosto 6, sa pagsisimula ng enhanced community qua­rantine (ECQ), ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos .

Sinabi ni Abalos na napagkasunduan ng Metro Manila mayors na ipatupad ang uniform  curfew simula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Noong Hunyo 15, 2021 ay una nang pinaikli ang curfew mula na simula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00  ng madaling araw ang ipinatutupad na curfew at sa pagsisimula.

Sa kasalukuyan naman ay nasa ilalim pa ng general community quarantine “with heightened and additional restrictions” hanggang sa  Agosto  5, 2021.

Kasunod na nito ang ECQ na sisimulan sa Agosto 6 hanggang Agosto 20, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at banta ng mabilis na pagkalat ng Delta variant. 

Samantala, walo  sa 17 lokal na pamahalaan sa  NCR ang nakatakdang magpatupad ng liquor ban sa dalawang linggong pagsasailalim sa enhanced community qua­rantine.

Ayon kay Abalos, simula rin sa Biyernes  ay ipagbabawal na ang pagbili, pagbebenta at pag-inom ng alak sa Valenzuela, Paranaque, Pasay, Navotas, Pateros, Mandaluyong, Quezon City at San Juan.

Nasa pagpapasiya na kasi ng mga alkalde kung magpapatupad o hindi ng liquor ban. Aniya, halos magkasama o kakambal na ng curfew policy  ang liquor ban.

Hindi naman aniya, plano na magpatupad ng liquor ban ang Makati, Taguig, Pasig, at Las Piñas. —Malou Escudero

 

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with