_ngayon
^

Metro

Dagdag na ICU beds sa 4 na malalaking ospital sa NCR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na malalaking ospital sa Metro Manila  ang nangangailangan ng dagdag pang intensive care units (ICU) beds dahil sa patuloy na pagtaas ng healthcare utilization rate sa rehiyon at iba pang lugar, ayon sa Departmet of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may kabuuang 240 karagdagang ICU beds ang ilalagay sa Lung Center of the Philippines, National Center for Mental Health, East Avenue Medical Center at sa Quirino Memorial Medical Center.

Idinagdag pa nito na ang national healthcare utilization rate ay tumaas sa 50%.

“‘Pag tiningnan natin sa bawat rehiyon, ­ibababa pa natin sa bawat probinsya o kaya highly urbanized city o independent city, nakikita na po natin ‘yung mga pagtaas ng paggamit ng ating hospital facilities,” pahayag pa nito.

Inihayag pa nito na may 755 ICU beds at 332 isolation beds ang idinadag sa Luzon noon pang isang taon, gayundin ang 314 isolation beds at 210 ICU beds sa Visayas at 306 isolation beds at 190 ICU beds naman sa Mindanao.

“Ang pinakaimportante, kahit magpatuloy ang pagtaas ng kaso, handa po ang sistema natin, pangalawa, marami nang nabakunahan and dahil marami nang nabakunahan, lesser ang chances na mapuno ang ospital,” ayon pa kay Vergeire.

 

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with