_ngayon
^

Metro

P1.7-M shabu nasamsam sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P1.7 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Taguig City Police Station, Philipine Drug Enforcement Group (PDEG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City, kamakalawa.

Kinilala ni National Capital Region Police Office Chief P/Major General Vicente D Danao Jr. ang mga suspek na sina Reggie Pariño, alyas Reymark, at Jerry Adriano .

Dakong alas-2:00 ng hapon ng Agosto 1, nang malaglag sa kamay ng mga operatiba ang mga suspek sa isang food house sa Manuel L Quezon St., Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Inaresto ang mga suspek nang magpalitan na ng pera at ilegal na droga sa nasabing karinderya.

Narekober ang nasa 326  pirasong P1,000 boodle money at isang genuine na ginamit na buy-bust money at 250 gramo ng shabu.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with