^

Metro

Pagtatayo ng modernong paaralan sa Maynila, sinimulan na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang sinimulan kahapon pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagtatayo ng bagong Mababang Paaralan ng Dr. Alejandro Albert sa Sampaloc.

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang seremonya nang paghuhulog panulukang bato sa pagtatayuan mismo ng paaralan.

Ito ang huli sa tatlong nakatakdang itayo na moder­nisadong paaralan, kasunod ng sa Mababang Paaralan ng Rosauro Almario sa Tondo at ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila.

“Ito ang pangako namin sa lahat ng batang Maynila sa pagpapaunlad ng ating mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan”, ayon kay Yorme.

Nakaplanong lagay dito ang 234 na silid-aralan, silid aklatan, isang gym, roof deck, kantina, auditorium, gyum at iba pa.Humigit-kumulang sa P2 bilyon ang inilaan na budget sa pagtatayo ng mo­dernong paaralan.

Ayon kay Moreno nananatiling prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagpapatibay at  pagpapalakas sa pampublikong paaralan sa Maynila.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with