Birth registration, gagawin ng online sa Quezon City
MANILA, Philippines — Takdang magbukas ang Quezon City government ng kauna-unahang online birth registration portal upang hindi na magpunta ang aplikante sa city hall para makakuha ng birth certificate.
Ang programa ay bahagi ng digitalization program ng QC public services, na mas kumbiniyente at mabilis na birth registration process na ang requirements para dito ay ipadadala lamang gamit ang website at susuriin ng City Civil Registry Department (CCRD) para agad maproseso.
“Tulad ng business at occupational permits natin na pwedeng mag-apply online, bubuksan na rin natin itong online portal for birth registration para ma-address natin ‘yung problema natin sa mga late at unregistered birth registration sa lungsod,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte .
Anya, ang innovation at automation ng serbisyo ay makakaiwas sa banta ng COVID-19 dahil hindi na pipila para sa application ng birth certificate.
“Karapatan ng mga bata ang mabigyan ng pangalan at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng birth registration. Through this initiative, pwede nang mai-submit ang requirements at mai-check online para hindi na magpabalik-balik pa sa city hall. Hopefully, we can have the portal up and running before the year ends,” dagdag ni Mayor Belmonte.
Ayon kay City Civil Registrar Salvador Cari?o Jr. sa ngayon ay nakikipag-usap na sila sa City Administrator’s Office at Information Technology Development Department para maisama sa city’s QC E-Services portal ang birth registration.
Bukod sa birth registration, maaari ring mai-aplay sa portal ang ibang sertipikasyon tulad ng marriage registration at death registration oras na mailunsad na ito ngayong taon.
- Latest