_ngayon
^

Metro

Bebot na kumuha ng video sa punuan na jeep, sinaktan ng nobya ng driver

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain ng pormal na reklamo sa Manila Police District-Soler Police Community Precinct  ang isang dating empleyada ng Manila City Hall laban sa nobya ng isang jeepney driver na nanakit sa kaniya nang makitang kinukunan ng litrato ang loob ng sasakyan dahil sa punuan o kawalan ng social distancing.

Ayon sa biktimang si Elisa Alegro, dating secretary to the chief of staff ng Manila City Hall at residente ng Tondo, Maynila, naganap ang pag-atake sa kaniya ng babaeng kasama ng jeepney driver  na  dakong alas-3:30 ng hapon, nang pababa na siya sa dyip na may biyaheng Divisoria- Taft-Baclaran .

Kuwento niya, sumakay siya sa nasabing dyip sa terminal malapit sa KP Tower para magtungo sa Manila Medical Center sa UN Avenue, sa Maynila, nang mapansin na halos puno na ang dyip at sira na rin ang plastic cover na nagsisilbing divider, habang sa unahan ay ang driver, ang nobya umano ng driver at isa pang lalaki.

Napilitan umano siyang sumakay dahil sa pagmamadali na mahuli sa appointment check up.

Nang huminto ang dyip sa tapat ng 168 mall para pumik-ap ng pasahero, pumalag siya at sinabing wala nang social distancing at umalma ang nobya ng driver na nag­sabing “pang-trese nga yan eh!” at “matagal pa ‘yang  covid na ‘yan lahat naman mamamatay…hindi nga kami hinuhuli ng mga pulis eh!”

Nagbayad si Alegro at  nagselfie na kita ang dami ng sakay na pasahero .

Nang bumaba ng dryip sa panulukan ng Taft and United Nations Avenue,  kinunan na rin ng litrato ang plate number ng dyip  at maglalakad na lang nang sugurin siya ng suspek at galit na  nagtanong kung bakit kinunan ng litrato ang plate number na nauwi sa sagutan hanggang sa saktan siya.

Napigilan ang pananakit nang umawat ang driver at isa pang lalaki habang si Alegro ay nagtamo na ng mga sugat at pasa sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with