_ngayon
^

Metro

Isko at Honey naghanda vs Delta variant

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Isko at Honey naghanda vs Delta variant
Manila Mayor Isko Moreno
PangMasa/File

MANILA, Philippines — Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.

Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang ni Yorme Isko at Vice Mayor Honey upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.

Sinabi ni Bagatsing, lahat ng precautionary mea­sure ay ginagawa ni Yorme at Honey bago pa lang ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

“The anticipated actions of Yorme Isko and Honey Lacuna will ensure that Manila is prepared to slow the spread of the COVID Delta variant. The Luneta field hospital, the free drive-thru covid testing, and having vaccinated almost a million Manileños will keep the delta variant from spreading faster than expected,” pahayag ni Bagatsing.

Aniya, maraming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng COVID ngunit ngayon ay nakita na ang pangangailangan hinggil dito.

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga residente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID sa Pasko.

COVID-19 VARIANT HONEY LACUNA ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with