_ngayon
^

Metro

‘Quick substitution list’ sinimulang ipatupad sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan nang ipatupad ng Quezon City government ang Quick Substitution List (QSL) system upang maging mas episyente ang ginagawa nilang pagbabakuna sa mga residente laban sa COVID-19.

Sa ilalim ng naturang sistema, ang mga residente o manggagawa na walang appointment para bakunahan ay maaaring magpalista sa QSL, upang palitan ang sinumang vaccine recipient na hindi sisipot sa nakatakdang iskedyul ng kanilang bakuna o kaya ay ipinagpaliban ang pagbabakuna dahil sa medikal at iba pang balidong rason.

Sa ganitong pamamaraan anila, matitiyak na ang lahat ng bakuna sa site ay magagamit.

Matapos magpalista, isang miyembro ng staff ang tatawag at magpapabalik sa kanila sa vaccination site pagsapit ng hapon kung malinaw nang may mga scheduled vaccinees ang hindi makapagpapabakuna sa araw ng kanilang iskedyul.

Paglilinaw ng lokal na pamahalaan, ang pag­lagda sa QSL ay hindi garantiya na mabibigyan sila ng vaccination slot sa araw ring yaon, dahil depende ito sa bakuna na available sa site.

“In the afternoon, if there are beneficiaries who fail to show up or were deferred because of high blood pressure, failure to present a medical certificate or other reasons, we will call those in the QSL and invite them to get the shot instead,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.

Sa ilalim ng QSL system, ang mga inilaang bakuna para sa araw na yaon ay magagamit lahat at hindi makukompromiso ang integridad ng mga ito sa pamamagitan nang pagbabalik sa cold storage facility.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with