_ngayon
^

Metro

Pulis ikakalat sa vaccination sites, palengke, supermarkets sa ECQ

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapakalat pa sila ng karagdagang mga pulis na magba­bantay sa mga vaccination sites at iba pang mga pampublikong lugar sa National Capital Region (NCR) sa panahon ng pagpapairal ng dalawang linggong lockdown o enhanced community qua­rantine (ECQ) na magsisimula sa Agosto 6.

Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, bukod sa vaccination sites, magpapakalat din sila ng mga pulis sa mga palengke, supermarkets at mga ayuda centers.

“Maglalagay tayo ng dagdag na pulis sa vaccination sites, palengke, supermarkets, at ayuda centers,” pahayag ni Año sa isang panayam.

Habang umiiral ang ECQ, paiigtingin ang pagbabakuna sa mga mamamayan sa rehiyon upang maprotektahan sila laban sa naturang karamdaman.

Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga APOR na dalhin ang kanilang IATF IDs, valid IDs o dokumento mula sa mga estblisimiyento na pinayagang mag-operate sa panahon ng ECQ.

DILG ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with