_ngayon
^

Metro

250K katao target bakunahan sa Metro Manila kada araw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
250K katao target bakunahan sa Metro Manila kada araw
Sinabi ni Abalos nitong Sabado na napag-usapan sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) kamakalawa ng gabi, bukod sa target na maturukan ng COVID-19 vaccines, tinalakay din ang ayuda na ibibigay sa mga higit na maapektuhan at ang border controls para sa pag-iwas na lalo pang lumaganap ang kinatatakutang Delta variant.
The STAR/Boy Santos

Habang ipinatutupad ang ECQ

MANILA, Philippines — Target ng mga Metro  Manila mayors na maka­pagbakuna ng 250,000 katao kada araw habang nakataas ang ipatutupad na pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA)  chairman Benhur Abalos Jr.

Sinabi ni Abalos nitong Sabado na napag-usapan sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) kamakalawa ng gabi, bukod sa target na maturukan ng COVID-19 vaccines, tinalakay din ang ayuda na ibibigay sa mga higit na maapektuhan at ang border controls para sa pag-iwas na lalo pang lumaganap ang kinatatakutang Delta variant.

Dumalo rin sa pulong sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, at si  Interior Secretary Eduardo Año.

Samantala, tiniyak din ni Abalos na patuloy ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga kuwalipikadong benepisyaryo habang paiira-   lin ang minimum health protocols.

Samantala, nakahanda nang talakayin ang isyu kung magpapatupad ng liquor ban, at sakaling ipatupad ay  magkakaroon ito ng uniform guidelines.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with