_ngayon
^

Metro

Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan
Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination site kung saan nasa 400 kaagad ang naitalang inisyal na naba-kunahan kahapon.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa layuning mas mapa-bilis pa ang pagbabakuna sa gitna ng pinangangamba-hang pagkalat ng Delta va-riant binuksan na ang drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, sa tabi  ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Maynila, Sabado ng umaga.

Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination site kung saan nasa 400 kaagad ang naitalang inisyal na naba-kunahan kahapon.

Sinaksihan nina National Task Force (NTF) against COVID-19 Deputy Chief Implementor Secretary Vince Dizon,  DOH-NCR assistant regional director Dr. Paz Corrales at  Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, ang pagbubukas ng bagong vaccination site, na punuri sa nakitang bilis at maayos na sistema.

Ayon kay Moreno, maa­aring magpabakuna dito ang mga indibiduwal na may sasakyan na may apat na gulong, gaya ng jeep o kotse. Hindi pa naman pwedeng pumila ang mga nakamotorsiklo o bike sa ngayon.

Paglilinaw naman ni Moreno, kailangan din mu­nang mag-register online at magpa-schedule sa kanilang website.

May matatanggap uma­nong text message na nagsasabi kung pasok sa drive-thru vaccination.

Dahil nasa loob naman umano ng sasakyan, nabatid na hindi lang isang tao ang puwedeng magpabakuna.

Maaari umanong apat na tao ang magpabakuna dito sakay ng isang sasakyan basta’t rehistradong lahat ang mga ito sa manilacovid19vaccine.ph website ng Manila City government at kahit isa lang sa kanila ang naka-schedule.

Kahit hindi taga-Maynila ay maaari rin umanong mag-register at sumama sa drive-thru vaccination.

Samantala, bukod sa drive-thru vaccination, may first dose vaccination din sa University of Santo Tomas (UST) nitong Sabado na may 2,500 doses, at second dose vaccination naman sa ibang piling mga paaralan at mall sa lungsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with