_ngayon
^

Metro

Masaker sa QC: 3 miyembro ng pamilya, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Masaker sa QC: 3 miyembro ng pamilya, patay!
Ang mga biktima ay nakilalang sina Jesusa Ugay Tabucol, 59 , OFW recruiter: Jeheart Ugay Tabucol, 21, at isang babae, na nakilala lamang sa alias Trixy, na nasa edad 20-30, pawang residente ng Unit 14 Building 21 MRB St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi  nang pagbabarilin ng isang hindi kilalang lalaki sa loob mismo ng kanilang condomi-nium unit sa Brgy. Common­wealth, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Jesusa Ugay Tabucol, 59 , OFW recruiter:  Jeheart Ugay Tabucol,  21,   at isang babae, na nakilala lamang sa alias Trixy, na nasa edad 20-30, pawang residente ng Unit 14 Building 21 MRB St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Batay sa report ng Que­-  zon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nabatid na dakong alas- 3:40 ng madaling araw kahapon nang maganap ang naturang masaker sa loob mismo tahanan ng mga biktima.

Lumilitaw sa isinagawang pagsisiyasat ni PCpl. Nido B. Gevero Jr., may hawak ng kaso, na isang saksi na nakilalang si alyas Rannie, na residente rin ng naturang lugar, ang nakadiskubre ng krimen.

Nauna rito, naka-duty umano si Rannie sa traba­ho, na malapit lang sa tinutuluyang condo unit, nang makatanggap ng message sa Facebook mula sa kaibigan na nagtanong kung may narinig siyang mga putok ng baril mula sa tinitirhan niyang condo.

Dahil dito, agad na umu­wi si Rannie upang beripikahin ang natanggap na impormasyon.

Pagdating umano niya ay napansin niyang bukas ang gate ng kanilang condominium building. Napuna rin umano niya na bukas din maging    ang unit  ng mga biktima.

Sumilip umano ni Rannie sa bukas na pintuan at dito na bumulaga sa kaniya ang mga nakahandusay na duguang mga biktima.

Kaagad siyang humingi ng saklolo sa mga opisyal sa kanilang barangay.

Sa imbestigasyon, natukoy ng mga awtoridad na mayroong nag-iisang salarin na pumasok sa unit ng mga biktima at kaagad silang pinaulanan ng bala, gamit ang ‘di   pa batid na kalibre ng baril.

Wala naman umanong nakakilala sa suspek dahil nakasuot ito ng kapote, cap, at face mask.

Masusi naman nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa krimen upang matukoy kung sino ang nasa likod nito, gayundin ang motibo niya sa pagpatay.

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with